Tuesday, October 12, 2010

Luckying Lucky!

Final examination week namin ngayon. Siguro dapat nagaaral ako, nagbabasa, nagpapanic, at kung ano ano pang dapat ginagawa ng isang normal na estudyante tuwing may exam.  First day ko pala kanina mag exam, ang subject ay Medical Surgical Nursing, ang aming major major subject for this sem.
Kung ako ang tatanungin nyo,  madali lang sya, di naman ako magpapakaplastic para sabihin na “uhm.. okay lang…” tulad ng ibang classmates ko na pa-humble pa, very Thomasian ika nga. Bakit ba kasi hindi nila kayang ihayag ang kanilang mga saloobin ng walang ka-ekekan at ka-showbizan.
Siguro marami sainyo ang magsasabi na, “Ang yabang mo naman…” o kaya naman “(insert mura here)! Kapal ng muka nito…” Pero yun naman talaga ang totoo, mayabang ako dahil may ipagyayabang. Ipinagmamayabang ko ang aking pagtiyatyaga sa kakabasa ng Brunner’s Medical Surgical Nursing na libro, ang pagkapuyat na nagdulot ng aking tila maleta na eye bags at samu’t saring mga pimple sa muka na tila sinusorpresa ka sa biglang pagsulpot habang sinasabing “Were here!”
Grabe din naman ang diet ko ngayon panahon ng stress, kagabi kasi sinimulan ko ng mag review ako sa Mcdo sa may school. Ayun, syempre balak kong mag camp out doon kaya andami kong dinalang pagkain. Inabot siguro kami ng mga 11pm doon. Eto ang time table ng pagkain ko:
6pm: Nova na medium size
7pm:  Large fries and coke, tapos naki subo pa ng spaghetti na order nung kasama ko
8pm: (Pahinga muna dito)
9pm: Tinapay na parang may palaman sa loob
10pm: Large coke float yung strawberry
11pm – 1am: Natulog saglit pero kumain ng isang pineapple bar
1am: Pancit canton ung Lucky Me
3am: Instant mami ung Lucky Me ulit w/ egg
5am: Meat loaf with rice
6am: (at school) Cupcake Cappucino, Medium ng 7 Eleven tapos sinamahan ng dalawang Sky flakes
Kamusta naman ang tiyan ko? I feel so fat and bloated already. L Pero infairness, effective naman ung mga lucky me na kinain ko nung medaling araw, luckying lucky nga sa exams, pero goodluck naman sa tiyan ko.haha!


*UPDATE*
Kakatext lang ni Lala na classmate ko na nabili na nya ako ng HipHop Abs na special request ko as pasalubong nya mula sa Quiapo.Yiheee!

5 comments:

KUMAGCOW said...

aba balitaan mo ko sa hiphop abs kung epektibo para mag ka abs ako hahahaha

Drei said...

Haha! sige magkapagopost nga ako ng before n after.lol

ced said...

haha. ganyan din ako kumain pag may exams. sus yan. mayat maya. haha

wanderingcommuter said...

hindi effective ang hiphop abs. masyadong nakakadistract yung instructor sa video. hehehehe

Drei said...

@ced - ang hirap tlga pag stressed :/ sa pagkain narerelease..

@wanderingcommuter - ahah! bakit naman? masyado bang madaldal?lol

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...