Dahil nagmamarunong at nagmamatalino nanaman ako, gusto ko sana magcontribute ng post na makakatulong sa development of the society. Di man ako English teacher o isang dalubhasa sa grammar and syntax, may mga napupuna akong mga grammatical error paminsan minsan sa mga post ng ibang bloggers. Maaring honest mistake lang ito, pwede rin kasi babangag bangag ka na at nagboblog ka pa, or baka nakalimutan narin ang mga grammar lessons dati. Para po ito sa ikabubuti ng lahat kaya kung filing mo ikaw yung nababasa kong yun, wag na lang masyado halata. Pasalamat ka na lang di ko ginawang sample quote yung sinulat mo with your URL.
Eto ang ilan sa mga common na nababasa ko:
1. Pag nangyari na ang isang bagay, nilalagyan ng –d at –ed sa dulo ang verb para magging past tense ito.
Sample 1
MALI: I receive a text message.
TAMA: I received a text message.
Oh eto pa isang sample.
Sample 2
MALI: I eat an apple.
TAMA: I eated an apple.
Joke lang po yung sample no. 2. dapat I ate an apple yun.
2. Pag plural form ang noun o ang pronoun, dapat plural din ang verb. Tawag dito ay Subject-Verb Agreement.
Sample
MALI: The communities raises funds for the poor.
TAMA: The communities raise funds for the poor.
3. There is no such word as “IRREGARDLESS”
Reason: Double Negatives
Sample
MALI: Irregardless of the situation, ....
TAMA: Regardless of the situation,...
4. Wag masyado exagg sa paggamit ng adjectives
MALI: Oh! His post is more better than the other one.
TAMA: Oh! His post is better than the other one.
Remember the good-better-best and bad-worse-worst. Di pwede masyado matuwa sa mga ito at gamitin excessively. Pero if you still want to emphasize further a point, you can use the word "much".
TAMA: I'm feeling much better now.
Wala po sanang mapipikon sa mga ito, dahil sobrang importante na maayos ang ating mga sinusulat sa blogosperyo, gusto ko lang po kayong matulungan kasi minsan kating kati ako iedit minsan ang mga post nyo.