Showing posts with label HipHop Abs Chronicles. Show all posts
Showing posts with label HipHop Abs Chronicles. Show all posts

Monday, October 18, 2010

A Qualitative Study in the HipHop Abs Training Regimen


I am officially anouncing that my blog will now be a porn blog. Joke.


After 30 mins of exercise.lol

After a week of undergoing the HipHop Abs training regimen, there was a significant change in the body structure as manifested by decreased protrusion of abdominal muscles. (See this and compare for yourself) However, there was a noted hypertrophy of the muscle cells in the upper part of the rectus abdominis which could be an effect of increased workload on the muscles. Still for continuous observation.



Ayun nga kinontinue ko na ang hiphop abs training ko. Kairita yung instructor minsan.

Work it!
During my first few days, sobrang napapagod ako dun sa cardio excercise to the point na napipikon ako dun sa instructor. Kase naman pagod na pagod na ako sa 3 minutes at 27 minutes pa ang natitira, tapos "Work it" pa sya ng "Work it." Asar lang.

Feels Good!
Isa pa to, feels good na ng feels good eh ang sakit sakit na ng pinapagawa nya lalo na pag yun touch your toes na. Bwiset.haha!

That's mah song!
Funny pa rin naman si kuya kahit papano, kasi naman biglang sinabing "That's mah song!" nung nagplay ang "Don't Cha" ng Pussycat Dolls. FTW.

Siguro talaga dapat ung kela Luis at Anne na lang yung sundin ko.haha Pero ok na rin to, may improvement naman diba?



Wednesday, October 13, 2010

Before (NSFW.lol)

BEFORE

Actually yan yung BEFORE ng Hiphop Abs workout ko, yung AFTER medyo di pa namamaterialize, probably in a week or so may onting results na lalabas.lol  Ayan ah, malinaw na malinaw ang baseline data ko, kaya wala kayong masasabing katiwaliian na nagaganap.lol

Kasi naman at the rate kung pano ako kumain ngayon, parang I'm heading towards being a bundat. I don't want to be a bundat. :(

Magka abs kaya ako tulad nung negrong instructor sa video?

Ang HipHop Abs

Kanina pala nakuha ko na ang HipHop Abs DVD na galing kay Lala. Sa sobrang excite ko umuwi agad ako after ng exams ko para mapanood ito agad at masampolan.

Laking gulat ko lang nung pinlay ko na sa laptop ko, mukha ni Anne Curtis at Lucky Manzano ang ipinakita ng Windows Media Player. What the hell is wrong with this! (with attitude pa dapat ang pagsabi dito) Epekto pa kaya ito ng Lucky Me na nilamon ko?

 WTF talaga, so tinignan ko ulit ung DVD case baka nagkamali lang ng bigay si Lala. Okay naman yung case, andun naman yung kutis tsokolateng lalaki na may abs. Pero ba't ganun? Tsk. Sayang naman ung 40 pesos ko. Nagtaka ako baka biglang may Filipino version version pala, akala ko pati ung mismong video ng HipHop Abs ay pirated narin. Medyo nadisappoint ako ng onti tapos ginawa ko, finorward ko na lang, tinggin tinggin kung di naman jojologs-jologs, baka pwede namang pagtiyagaan ang exercise regimen na ito. Forward.. forward... tapos ayun! Biglang lumabas na ang negrong lalaking may abs.haha! Yesss! BV parin kasi jusko mas madami pa yung parte nila Anne sa DVD.haha!

P.S. Makapost nga ng pic ng before and after ko sa hiphop abs. Madami kasing kumokontra sa effectiveness nito. See the results in 7 days! Parang Dove lang.haha!

Tuesday, October 12, 2010

Luckying Lucky!

Final examination week namin ngayon. Siguro dapat nagaaral ako, nagbabasa, nagpapanic, at kung ano ano pang dapat ginagawa ng isang normal na estudyante tuwing may exam.  First day ko pala kanina mag exam, ang subject ay Medical Surgical Nursing, ang aming major major subject for this sem.
Kung ako ang tatanungin nyo,  madali lang sya, di naman ako magpapakaplastic para sabihin na “uhm.. okay lang…” tulad ng ibang classmates ko na pa-humble pa, very Thomasian ika nga. Bakit ba kasi hindi nila kayang ihayag ang kanilang mga saloobin ng walang ka-ekekan at ka-showbizan.
Siguro marami sainyo ang magsasabi na, “Ang yabang mo naman…” o kaya naman “(insert mura here)! Kapal ng muka nito…” Pero yun naman talaga ang totoo, mayabang ako dahil may ipagyayabang. Ipinagmamayabang ko ang aking pagtiyatyaga sa kakabasa ng Brunner’s Medical Surgical Nursing na libro, ang pagkapuyat na nagdulot ng aking tila maleta na eye bags at samu’t saring mga pimple sa muka na tila sinusorpresa ka sa biglang pagsulpot habang sinasabing “Were here!”
Grabe din naman ang diet ko ngayon panahon ng stress, kagabi kasi sinimulan ko ng mag review ako sa Mcdo sa may school. Ayun, syempre balak kong mag camp out doon kaya andami kong dinalang pagkain. Inabot siguro kami ng mga 11pm doon. Eto ang time table ng pagkain ko:
6pm: Nova na medium size
7pm:  Large fries and coke, tapos naki subo pa ng spaghetti na order nung kasama ko
8pm: (Pahinga muna dito)
9pm: Tinapay na parang may palaman sa loob
10pm: Large coke float yung strawberry
11pm – 1am: Natulog saglit pero kumain ng isang pineapple bar
1am: Pancit canton ung Lucky Me
3am: Instant mami ung Lucky Me ulit w/ egg
5am: Meat loaf with rice
6am: (at school) Cupcake Cappucino, Medium ng 7 Eleven tapos sinamahan ng dalawang Sky flakes
Kamusta naman ang tiyan ko? I feel so fat and bloated already. L Pero infairness, effective naman ung mga lucky me na kinain ko nung medaling araw, luckying lucky nga sa exams, pero goodluck naman sa tiyan ko.haha!


*UPDATE*
Kakatext lang ni Lala na classmate ko na nabili na nya ako ng HipHop Abs na special request ko as pasalubong nya mula sa Quiapo.Yiheee!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...