Wednesday, October 13, 2010

Ang HipHop Abs

Kanina pala nakuha ko na ang HipHop Abs DVD na galing kay Lala. Sa sobrang excite ko umuwi agad ako after ng exams ko para mapanood ito agad at masampolan.

Laking gulat ko lang nung pinlay ko na sa laptop ko, mukha ni Anne Curtis at Lucky Manzano ang ipinakita ng Windows Media Player. What the hell is wrong with this! (with attitude pa dapat ang pagsabi dito) Epekto pa kaya ito ng Lucky Me na nilamon ko?

 WTF talaga, so tinignan ko ulit ung DVD case baka nagkamali lang ng bigay si Lala. Okay naman yung case, andun naman yung kutis tsokolateng lalaki na may abs. Pero ba't ganun? Tsk. Sayang naman ung 40 pesos ko. Nagtaka ako baka biglang may Filipino version version pala, akala ko pati ung mismong video ng HipHop Abs ay pirated narin. Medyo nadisappoint ako ng onti tapos ginawa ko, finorward ko na lang, tinggin tinggin kung di naman jojologs-jologs, baka pwede namang pagtiyagaan ang exercise regimen na ito. Forward.. forward... tapos ayun! Biglang lumabas na ang negrong lalaking may abs.haha! Yesss! BV parin kasi jusko mas madami pa yung parte nila Anne sa DVD.haha!

P.S. Makapost nga ng pic ng before and after ko sa hiphop abs. Madami kasing kumokontra sa effectiveness nito. See the results in 7 days! Parang Dove lang.haha!

13 comments:

romeo said...

base... mas makakabuti kung magpupunta ka ng lang ng gym, maari kasi magkaroon ka ng abs dyan pero wala ka naman muskels sa braso at mga binti. kadalasan nakakapayat lang ang gawaing yan but hindi nakakabuti sa kagandahang pisikal ng isang lalakeng purong abs lang walang muskel sa braso (paulit ulit ako pansin ko lang)

Drei said...

@romeo sabagay.. pero ang hirap kasi walang funds eh.haha kagraduate ko nlng siguro. :)

Emmaleigh said...

I wanna see I wanna see. haha lafftrip naman yung Anne at Luis =))

Jag said...

UHmmmm makapag pa-abs nga din LOL...bumili nmn ako ng dvd na taeboo epektib sa akin kaso tinamad na akong magpatuloy hehehe...

Drei said...

@emma- gusto mo makita ung before ang after?Lol :) baka tawanan nyo lang ako.haha thanks sa pagbisita!

@jag - uyyy first time dito ah! :) talaga? naku pg di effective ang hiphop abs pahiram ako ng taeboo mo ah.haha!

Emmaleigh said...

lol! is the before THAT BAAAAAD?lol! jk! yes. I wanna see the before & after so I'll know if this shizz is forreals or not lol!


Em

pusang kalye said...

owww-deny ka pa e alam naman na na nag-enjoy ka rin. hahaha

Drei said...

@pusangkalye - ahah! sbi ko nga.. pde nangpagtiyagaan ung kela anne.lol

Nimmy said...

naks! astig! nagpapa-sexy. hihi

KUMAGCOW said...

Uyyyy ang cheesy ng pnapanuod hahaha XD

Drei said...

@nimmy - lol syempre para pogi.lol

@kumagcow - haha cheesying cheesy talaga.haha!

lala said...

hala. di ko kasi pinanood yung cd, puro anne at luis pala. hahaha. teka...may hiphop abs na cd si anne at luis? may tagalog na hiphop abs?!

Drei said...

@haha! hindi.. parang may version lang sila pero di tlga hip hop abs.hehe!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...