Friday, September 10, 2010

Tamang Chismis Lang

Grabe! Nagising nanaman ako sa ingay ng dramahan ng mga kapitbahay namin. Ung para bang nakamega phone na umaabot ang sigaw hanggang sa kwarto ko. Minsan para bang Pinoy Big Brother sila pero puro boses lang naririnig mo, minsan iniisip ko nga na baka naka 24/7 live streaming ako sa kanila at minsan mas updated pa ako tungkol sa kanila kesa sa kanilang facebook account.

Minsan alam ko na kumakain sila dahil rinig na rinig mo talaga ang kanilang mga kwentuhan at mga kubiertos. Dati naman, ito yung time na nagaaway sila dahil sa isang pokpok na pinatos nung lalakeng asawa nya. By the way, ung kapit bahay naming parang compound sya na ung buong ankan ay nandun. Bata’y sa aking naririnig, gusto ko man o hindi, may magasawa na nakatira sa bahay ng tatay ng babae.

Naalala ko nung isang midnight eto ang nangyari…

Babae: Oh, san ka nanaman galing?

Lalake; Ahh uminom lang kami nila pare…

B: Ha? Hirap na hirap na akong kumayod tapos gumugoodtime ka lang?!

L: Nageenjoy lang naman minsan..

B: Ahh wala! Siguro nag table ka no?

L: (Walang sagot..)

B: Ahhh putanggiiinnaaaa! Pintatulan mo ang pokpok!

L: (tahimik)

B: Tanginnaaa… Tayyyyy!

Tatay: oh ano nangyari?

Tapos ayun, puro kalabog na narinig ko. Parang radio drama tuloy ako dito sa aking kwarto.haha BV talaga sila minsan, sarap sarap ng tulog ko eh. :/

4 comments:

ʎonqʎʇıɔ said...

ipabarangay mo. lol

RICO said...

incest? magjowa sila ng erpats nia? astig!!!

KUMAGCOW said...

Double post ata hehe

Drei said...

@nyl - sana nga pwede eh.haha!
@rico - whaaattt?haha labo naman nun.
@kumagcow - ayan. di na double post.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...