Thomasian Gloobal Trade Expo Picture courtesy of http://www.magnusventus.com/ |
Paksyet. Di ako makauwi dahil may pinapagawa pa sakin dito sa Manila kaya magkukwento na lang ako sa mga wholesome na nangyari sakin kahapon.
Actually, nasa MOA ako kahapon para sa Thomasian Global Trade Expo. Ayun andaming mga bazaar, job fair, at kung anu anu pang shit. Nagtaka nga ako kung bakit tinawag na global kasi ung mga exhibitors ay mga local brands lang at mga UST memorabilia stores na umuulit ulit lang ang tinitinda.
Pero sinulit ko na lang din ang mga bazaar kasi maraming free, syempre nagpakapulubi at PG nanaman ako kaya andami kong nahakot na freebie tulad ng ballpen at pamaypay courtesy of The Generics Pharmacy and mga candy mula sa Ray Gapuz Review Center.
Marami rami din akong free taste na natikman. Kabilang dito ang Milo, Sjorn, Ice Crumble, at may Ice cream pa na di ko na maalala ang brand. Actually nagstay din ako sa may Cooking Demo ng Century Tuna. Solve na solve ang araw ko sa dami ng pagkain.haha!
Habang nageenjoy pa ako sa expo, bigla ako nakarecieve ng text kay Citybuoy, iniinvite ako magmeet up sa may Greenbelt. Siyet. Di ako marunong pumunta dun sabi ko sa kanya. (Omit the Siyet word, di naman po ako balahura in person, promise :P) Ayun nga, sabi nya next time na lang daw. Nagpasorry naman ako.
Tapos bigla siya ulit nagtext after an hour yata yun, sabi malapit lang daw ang MOA sa Greenbelt. Syempre, shushunga shunga nanaman ako naniwala naman ako. Osige, minsan lang naman tong mga ganitong pagkakataon sayang naman kung di ako pupunta.
Buti na lang may nakita akong friend, na itago natin sa pangalang Paul. Tinuro nya kung saan ako
sasakay and all, mejo bobo kasi talaga ako sa directions. Sumakay ako ng jeep, na umabot sa MRT station.
Supermegaultra baho sa MRT. Siksikan to the max, parang mga party people. Dumami pa lalo ang tao nung nasa Magallanes na, may isang lalaki din sumiksik malapit sakin. From his looks, either isa syang construction worker or isang kargador. Okay lang naman, tolerable naman ako sa mga ganung tao. Pero shit talaga nung umandar na yung MRT at kumapit na sya sa hand rail. Umalingasaw ang amoy na parang egg sandwhich na naiwan sa bag ng isang linggo at noong inilabas mo may greenish whitish substance na nandun. Di ko talaga kinaya kasi halos magface to face kami ng kilikili nya. Bad vibes pa lalo pag malapit nang huminto ang tren, napapalapit pa lalo muka ko sa kilikili nya due to the effect of force. Laking ginhawa ko malapit lang at kasunod lang pala ang Ayala station.
Anyway, nung pagbaba ko sa station, naglakad ako papuntang Greenbelt na akala ko ay malapit lang (Thank you, Citybuoy). Pagdating ko sa Greenbelt, manghang mangha ako. Sorry naman promdi lang.haha! Ang ganda pala dun, ang sososyal ng mga tao, at yung mga store parang ayaw magpapasok ng customer. Parang basura talaga ako sa Greenbelt. Napansin ko din na habang tumataas ang number ng Greenbelt, sumososyal lalo ito. Kamusta naman nasa GB5 ako.
Ayun nameet kong una si Citybouy. Pinuntahan namin sila Victor at YJ sa Jolibee kasi kumakain daw sila dun. Di ko naimagine na may Jolibee pala dun kasi halos ng stores dun di ko nakikita saan man. Pagkatapos pumunta na kami ng CoffeeBean nameet ko dun sa Glentot at Pinky. Naabutan ko rin si Gasoline Dude kaso di na ako napakilala sa kanya kasi umalis na rin sya agad, pagdating namin.
Citybouy was so nice (narealize siguro nya kung gaano kalayo ang nilakad ko.hehe), linibre nya ako ng coffee. Thankk you! :)
Ayun kwentuhan kami dun habang nagcocoffee sa may labas. Dumating after ilang minutes sina Ahmer at Andy na nagpapansit. Joke. Di sila nagpapansit.
Anyway, andami kong nalaman na mga chi chi about the blogosphere. But I'm not telling. :)
Tapos ayun nagkayayaan maginuman, pumunta kame someplace in Makati. Kwento kwento ulit.
Natapos na kami ng mga 3am, nakauwi ako ng mga 4am. Thank you Ahmer, Andy, and YJ sa pagsama sakin pauwi since clueless talaga ako pano babalik sa Manila. Nakaktuwa mameet kayong lahat. Enjoy talaga ako kagabi, sana maulit muli :) Parang kanta lang.
5 comments:
Hala eh nung nagmeet tayo hindi ba yun first time heheh
wow. parang ang saya nyo lang. drei, mali yung link mo kay citybuoy. haha :) fyi lang. pero kayo pala nag inuman kagabi. saya sanang makasama sa mga kaganapang yan! :D
Natawa naman ako. Parang sponsored post sa dami ng links ko! haha
And it was nice to see you again. At least this time, nakapagusap na tayo. Next time ulit ah!
@kumagcow -as a reborn blogger first time ko.hehe
@claudiopoi - ayyy oo nga, palitan ko nga.. oo sobrang saya nila kasama :) sama ka minsan..
@citybuoy - oo nga eh.. inadvertise ko tlga, wait papalitan ko pa yung link mo :) can't wait for the next time.hehe
Ay andun ka rin pala sa napaka-"global" na expo na yun. Rawr.
Post a Comment