Saturday, October 16, 2010

Palimos for a Cause


Image from http://my_sarisari_store.typepad.com

This may be one of the most fulfilling days in my life. And it all started as “trip,trip lang…”. While we were studying at Starbucks last night, me and a friend thought of a idea. Crazy at it may seem, but we actually wanted to experience firsthand the life of a beggar. So instead of studying for our Literature exams for the following day, we ended up conceptualizing our “trip”.

And the plan was set. The next day, I brought a very loose jersey,  shirt, two shorts, and a cap which I stuffed forcibly on my Jansport bag. Lala, the friend I’m referring to in the first paragraph planned to join me.

 After our scheduled exams, we met near  the UST gymnasium at P.Noval Street at around 6pm. We asked the guard if we could change to our pulubi costume inside the guard house since it was the CR nearest to the gates, he obliged without the slightest hesitancy. However, he then refused when we asked him if we could leave our bags there. 

“Di kayo pagkakamalang pulubi nyan sa suot at kutis nyo”, manong guard said.
“Hindi kuya, kaya na yan. “
Dapat madumi kayo…bili kayo ng jobos, okaya ng kiwi tapos ipahid nyo sa balat nyo.” (Aba! Nag-susuggest pa tong si kuya guard. )

We decided to start asking the stalls outside UST if they could be so kind and keep our bags. We ended up leaving our stuff at Big Martha’s. Ate Jen and Ate Jean were really very nice and accommodating (I promised them that their names will be mentioned in lieu of their kindness.)

After dressing up and depositing our bags (SM ba ito?haha), we got ourselves concerned with our “props” which consisted of envelopes with the following scribbles:

“Ate at Kuya, palimos po pagkain lang po… Salamat po”
(Some were too crazy and even out of this world)

“Ate at Kuya,may I please have some moolah to buy myself food, drink and clothes. Thanks much!”
“Ate at Kuya, konting tulong lang po…pang shopping lang po”
“Ate at Kuya, palimos po please pangkain lang po sa Mcdo”
“Ate at Kuya, palimos po pambili ng Ipod Nano, yung 4 gig okay na po”
“Ate at Kuya, pengge po pera pang Starbucks at yosi. Pang Dota na rin po”

The envelopes were designed similar to the envelopes street children give to you at the jeeps. Actually, we had a sample to copy since Lala was given an empty envelope by a beggar at the jeep last night when we went home from Starbucks.

After doing all the necessary preparations, we started the trip. 

At this point in time, magtatagalog na ako, ang hirap pala mag-English.

Ayun, naglakad lakad na kami sa mga eskinita at pasikot sikot sa may P.Noval street sa gilid ng Uste. Maraming estudyante noon. Ayos! Marami kaming makukuha ngayon. Nagsimula kami sa mga nagiinuman at mga kumakain sa karinderya. 

“Palimos po.. kahit piso lang po…” ang aking sinasabi sa mga nagiinuman at mga estudyante - ung iba taga FEU, ung iba naman ka-school namin. Si Lala naman ay di makapagsalita dahil nakabraces sya. Sosyal na pulubi. Kaya hanggang acting lang ang drama nya. 

Noong nanlimos kami sa harap ng isang fruit shake stand, naexperience naming first time mabulyawan ng may ari nito. “Hoy! Ano yan!? Bawal yan dito”. High blood much si kuya. Medyo natakot na kami kasi baka kami pa dahilan ng myocardial infaction nya okaya naman baka ipapulis pa kami kaya umalis na lang kami ng kusa.



Image courtesy of ayen08.tumblr.com

Nang umabot kami sa Mang Toots, isang karinderya, nanlimos kami sa dalawang babaeng mukang nagtratrabaho na. Kasalukuyan silang kumain habang lumapit kami at iniabot ang sobre. “Pasensya na.. wala talaga”. Syempre dapat todo acting parin kami na pulubi. Kaya ayun, tinuro ko na lang yung Banana-rhuma na nasa may hapag kainan nila. (Ang Banana-rhuma pala ay parang turon na may sesame seed) “Osige kumuha ka na…” Sobrang natatawa na ako nung panahon na yun, PG mode nga naman. Sabi ko kay Lala, “Tara, hati na lang tayo…” habang kinamay ko na yung turon sa plato nila. Pero ewan ko ba at ang bait ni Ate samin nang sabihin nyang, “Hindi, kuha ka na rin…”. Pagalis naming dun sa lugar na yun, tawang tawa talaga kami to the highest level.haha! Sino nga bang matinong tao ang gagawa nun?


Nagpatuloy kami sa pamumulubi… umabot kami sa isang karinderya ulit sa kanto ng P.Noval. Sabi ko, para dagdag sa saya, magpeperform na lang ako habang nanlilimos para may added features ang paglilimos namin.

Ginawa nga namin yun. Kumanta ako ng “I Believe I Can Fly” , napatinggin halos lahat ng mga kumakain at lumabas pa yung nagtitinda. Sumesecond voice at nagsu-sway sway pa nga yung iba. Performance level talaga ito, sabi ko sa sarili ko. Pumalakpak naman sila Ate pagkatapos ng chorus ko. Bongga talaga.

Habang nasa harap kami ng Ministop, nakasalubong ko si Kuya. “Kuya palimos po kahit piso lang…” Sagot nya, “Magkano ba?” Kulit naman ni kuya, kakasabi ko lang na kahit piso lang eh. Pero since makulit sya, sabi ko na lang, “Kahit pagkano pwede na…” “Bente pwede na?”, tanong nya. Oo, pwedeng pwede na yang kuya. Thaaankk youuuu!

Umabot kami hanggang sa Morayta. May nagsabi samin na dalawang babaeng studyante, “Magtrabaho na lang kayo… Ang laki laki nyo eh…” Pero ayun persistent parin kami sakanila, di namin iniwan. Kinakalabit kalabit pa naming sila ng paulit ulit. Nakulitan na yata samin kaya “Osige na nga, kinokonsensya nyo pa ako…” Binigyan kami ng limang piso.haha

Dinerecho namin ang Morayta at umabot kami sa Espana. Naglakad lakad kami hanggang umabot sa may UST. Pumwesto kami sa may gate at nanlimos sa dalawang school mate namin na taga Fine Arts habang nagyoyosi. Pagkatapos mabigyan ng limang piso, nakipagkwentuhan kami. 

 “Ate nagaaral ka ba dyan?”
“Oo…”
“Anong course ba maganda dyan?”
“Uhm…. Nursing…” (syempre tuwang tuwa kami, gusto naming sabihin ni Lala “Di nyo lang alam ganito ka gago ang mga Nursing!haha
“Bakit naman?”
“Wala.. kasi sila yung parang magaling dito eh…”
“Ahh ganun ba? Magkano kaya tuition nila dito? Balak ko kasi magaral dyan minsan eh”
“Di ko sure e…Medyo mahal eh…”
“Ahh talaga? Afford kaya namin?”
“Ewan ko lang..”

Habang kinakausap naming sila, biglang dumaan ung high school teacher ko sa CAT. Syet! Deds na deds ako nito pag nakita ako. Napilitan kaming umalis.

Naglakad lakad kami sa Espana, nakasalubong kami ng dalawang high school students na tiga Arellano High. “Palimos po” sabi namin. Mukhang natakot yung dalawang studyante. Napatigil talaga sila, yung isa parang maiiyak na. Kumbaga, parang nacorner naming kasi sila nung time na yun. Iniwan na lang namin, baka akala pa ng iba ay nanghoholdap kami. BTW, may CCTV camera pala sa palibot ng USTe. Baka sa first day of classes patawag na nyan kami sa Office for Student Affairs (OSA) okaya naman sa Student Welfare and Development Board (SWDB).haha Naku! Baka ma-lagay pa kami sa school publication na Varsitarian. 

Tinuloy namin ang paglalakad at nakasalubong kami ng medyo matandang couple na tila nagaaway. Nilapitan naming, “Palimos po…” Di kami pinapansin habang nagaaway sila. Di rin kami umalis. Hanggang sa medyo nakulitan na sya at sinabi sa min, “Pwede ba, maguusap muna kami?”. Okaaaayyy, umalis na lang kami. Goodluck na lang sa LQ nila.

Naglakad ulit kami sa Espana, malapit na sa may Lacson. May couple na ulit kaming nilapitan.

“Palimos po…konting tulong lang po” sabay abot ng sobre.
”Oh ano ba nangyari?”, sabi nung lalake
“Galing po kasi kami ng Sorsogon” (Siguro nagtataka kayo kung bakit Sorsogon. Ako rin eh, nagtataka rin kung bakit nasabi ko yun.)
“Ano ba nangyari sa inyo?”
“May sindikato po kasi… dinala kami dito”, sagot ko
“Naku dapat lumapit na kayo sa pulis!”
“Ayy hindi na po… gusto lang po talaga naming makauwi”
“Ahh ganun ba? Magkano ba kelangan nyo?”
“Kahit magkano lang po…kahit pangkain lang…”
“Oh  eto 50…”
“Naku salamat po!!”
“Eto dagdag nyo pa”, kinalikot nya ang kanyang bag at binigyan pa kami ng apat na piso.
“Patulong na kayo sa pulis”, sabi ng babae

Sobrang naguilty talaga ako nung panahon na yun. Sobrang bait ni Kuya kung alam lang nyang pinagtripan lang namin sya. Pero ayun, tinuloy namin ang paglalakad sa Lacson street. Nakakita kami ng isang matandang kumakain. “Uyy Lala, bilhan naman natin ng inumin si manong” Sagot ni Lala, “Tara, uhaw na rin ako eh”. Bumili kami sa mga bangketa sa may UST Hospital. Tatlong Big O na orange juice, ung isa binigay kay manong na napagalaman naming isang parking boy, yung dalawa samin na ni Lala. Tuwang tuwa naman si Manong sa binigay namin.

Grabe talaga yun, imagine, nagduduty kami sa ospital na to, pero ngayon nanlilimos andito kami sapara manlimos sa mga medtech, doctor, at mga estudyante doon. Medyo mailap lang sila kasi delikado raw talaga sa parteng yun ng USTe.

Umabot na kami sa Dapitan, konti na lang maiikot na namin ang 4 corners ng school namin. Umabot kami sa Dela Fuente Street kung saan maraming karinderya. Nanlimos kami sa school mates namin na taga-Accountancy. “Ate may libreng kanta pag nagbigay…Gusto mo sample?”

“Ayy kuya wag na, mapapaos ka lang”
“Ay hindi, kakanta ako…” (ipagpilitan ba ang sarili?haha)
Sinimulan ko nangkantahin ang “I Believe I can Fly” with matching eye contact at hand gesture kaya ate, para bang nasa music video.
“Oh eto na nga…”, sabay abot ng pera

Ewan ko ba kung bakit, pero bentang benta talaga yung kanta sa sa mga tao.Ganun ba ako kagaling kumanta?haha

Naglakad lakad kami hanggang umabot kami sa Perpetual Help. Lumapit kami sa mga taga-Perps na nursing student, dalawang lalake, isang babae. Nanlimos kami. “May libreng kanta po…”

Pero ngayon pagkabigay ng pera, nagpathank agad kami at tumalikod nang bigla kong maalala na di pa pala ako kumakanta.

“Ayy ate, sorry nakalimutan ko yung kanta ko…”
“Ay hinde,hinde ok na..”
Talagang di naman masyadong obvious na gustong gusto ko kumanta no?

Tinanong ko si Lala kung magkano na yung kinita naming. “Mga 200 plus na ito…” Waw andami pala natin nalimos ah. Ung ginawa namin, bumili na lang kami ng tatlong Shanghai with rice sa Copy Shop. Dahil siguro pulubi kami, dinagdagan na nung nagtitinda yung pieces ng shanghai roll at pinabaunan pa kami ng sabaw. Binayaran namin ung pagkain gamit ung mga kinita namin. Medyo nagtagal lang kasi halos tig-lilima at tig-pipiso ang pera namin. After 3 years, nabuo na rin namin ang 120 na bayarin naming. Tuwang tuwa naman ung cashier kasi tigpipiso nga yung bayad, exact amount pa yun ah.

Siguro nagtataka kayo kung bakit kami bumili ng pagkain no? Binigay namin to sa mga batang nanlilimos sa harap ng Starbucks sa Pacific Suites. Nalaman naming na di pa pala sila kumakain. All in all, mga anim silang nagsalu salo sa bigay namin. Naki upo kami sa kanila sa may lansangan. Wala nang pakialamanan kung may makakita man saamin, basta sobrang saya lang naming nun at nakatulong kami. Actually, nakita kami nung classmate naming isa, at takang taka sya kung ano ginawa namin doon. Sabi namin sakanya, “Saka na lang naming ikukwento…” Halos lahat ng dumaraan ay napapatinggin samin at sa mga batang kumakain sa Styrofoam sa gitna ng daan sa harap ng Starbucks. 

Enjoy na enjoy ang mga bata sa pagkain nang bigla kong mapansin na yung isa ay sinara na ang kanyang styro na lalagyan. “Oh bakit mo sinara yan?”, tanong ko.

“Kasi po gusto po ito ng bunso kong kapatid.”

Dun talaga nahulog ang puso ko. Di ko akalain na mula sa trip namin ay marami kaming matutunan at matutulungan. Di ko talaga kinaya yung sagot ng batang yun. Pwedeng pang MMK.

Dun kami nagpasyang tapusin ang trip namin kasi 8 o’ clock na at magsasara na yung Big Martha’s na iniwanan namin ng bag. Pagkadating sa Big Martha’s sa P.Noval, tuwang tuwa sila Ate Jen at Jean sa kwento namin habang kumakain gamit ang natitirang perang nalimos namin. Inonominate daw nila kaming CNN Hero of the Year. Naku mga Ate aasahan naming yan ah? haha 

 Tuwang tuwa din si Kuya Dordas na guard sa P.Noval gate kung saan nagbihis kami.

Pagkatapos n gaming “trip”, narealize ko na andami parin mga taong mababait kahit na hirap na hirap na sila sa buhay. Naarealize ko din na effective pala ang performances at nakatutuwang mga nakasulat sa envelope na bumenta talaga sa panlilimos. Narealize ko rin na malakilaki na rin pala ang kinikita ng pulubi dahil all in all naka 240.50 pesos kami in just 3 hours ng pamumulubi, malapit na rin sa minimum wage yun. Sayang lang talaga wala kaming picture o video nun pero sobrang fulfilled din ako kasi nakatulong ako sa kapwa ko dahil naibahagi ko yung pinaghirapan ko, at di lang kinuha mula sa bulsa.

16 comments:

RainDarwin said...

HAHAHAHAHA tumbling ako dito!

lakas din ng trip nyo di man lang kayo naparanoid na baka makita kayo ng mga classmates nyo.

Drei said...

actually, nakita nga kami.haha :) buti na lang walang prof na nakakita.hehe

my-so-called-Quest said...

langyang trip yan! hahaha.
adik lang? at may moral lesson pa sa huli. hehehe. pero astig din ng trip nyo.

matry nga yan. pero for sure walang maniniwala sa akin. hehehe

Drei said...

haha! oo adik adik kami ni Lala.

Syempre, para naman di masabing nangtrip lang kami. Pero totoo yang moral lesson na yan ah. walang kaplastikan.haha

OO nga naman.. rich kid ka eh.haha!

Drei said...

haha! oo adik adik kami ni Lala.

Syempre, para naman di masabing nangtrip lang kami. Pero totoo yang moral lesson na yan ah. walang kaplastikan.haha

OO nga naman.. rich kid ka eh.haha!

Xprosaic said...

Ahahahahahaha adik na adik na trip yan ah..hehehehehe... isa pa nga! hehehehehe

p0kw4ng said...

gandang trip...ahahaha

pero sa totoong buhay eh di ako nagbibigay ng limos na pera..bakit? dahil naniniwala ako na tinuturuan mo lang silang maging tamad! bow,hihihi

lala said...

sobrang saya lang :) haha. kahit ang sakit ng paa natin pagkatapos.

kanina nga nagpaprint ako sa may asturias..,napapangiti ako kasi naalala ko nung namamalimos tayo dun. haha

Drei said...

@Xprosaic - haha oo na ako na ang adik!haha sayo nlng ako manlilimos next time.hehe :)

@pokwang - waaw idol!:) THANKS sa pagbisita.hehe

@lala - weee!nkakahiya pag namukhaan tayo ng ibang school mates ntn.haha ngayon pa ako nahiya.haha

John Bueno said...

OMG You are so crazy to do this....

just crazy!


XD pero alam mo kung san ako mas nabbilib?


I BELIEVE I CAN FLY!!!! hahahah XD

Drei said...
This comment has been removed by the author.
Drei said...

hahah! baliw talaga ako minsan.haha
bwhaha! nakakahiya kayaa! (nahihiya pa ako neto ah) Pero super enjoy talaga.hehe

Canonista said...

Nice... Nice... Ang galing. Good Job sa inyo!

Drei said...

thanks! :) para akong nanalo ng kung ano sa kakarecieve ko ng good job ah.hha

Drei said...

thanks! :) para akong nanalo ng kung ano sa kakarecieve ko ng good job ah.hha

lala said...

weh:))btw. kinita natin is 174.50 :D pramis :P

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...