Specifically, I want to extend that greeting to YJ of Manila Bitch, Anton of Pusang Kayle, and Nyl of Citybuoy, teacher-bloggers I met months ago.
Naalala ko ung unang teacher ko nung preschool, si Mrs.Gatmaitan. Gustong gusto ko sya kasi siya ung nag accelerate sakin deretchong Grade 1. Ngayon, wala na sya. Sumakabilang buhay na dahil sa kanser. Kahit saan ka man maam, di ko makakalimutan ung experience na pinafeel mo sakin na matalino ako kahit hindi naman talaga. Salamat titser!
Pagdating ko ng Grade 1, terror naman yung naging adviser ko. Sa sobrang ganda ng sulat ko na nadala ko na yata hanggang ako'y magkolehiyo, umabot sa puntong binabato na yung notebook ko tuwing magpapacheck ako. Minsan naisip kong dapat isumbong na sya sa DSWD pero syempre ko pa alam ang DSWD nun kaya nagpatuoy ang mga dramahan moments tuwing magchecheck sya. Up to now, it still hurts maam. Pero salamat na rin at pinasa mo parin ako ng Grade 1.
Pagdating ko ng grade school, wala naman ginawa ung teacher ko kundi pakantahin ako ng pakantahin ng “Pagdating ng Panahon”. Kasikatan pa noon ni Aiza Seguerra na ngayon ay binata na. Kahit di naman talaga kagandahan ang boses ko maraming salamat ay kinultivate nyo sa akin ang pagiging artist ko. Salamat!
Noong high school naman ako, doon ung time na medyo may favoritism ang mga teacher ko. Dito ko natutunan na kailangan mong mamuhay ng magisa at di kailangan ang ibang tao para umunlad.
Pero sobrang naaprieciate ko talaga mga teacher ko noon dahil nakatulong talaga mga tinututuro nila hanggang sa kolehiyo.
Sa aking pagtungtong sa kolehiyo, sobrang ikinagagalak kong pumasok ako sa aking kasalukuyang pamantasan. Ramdam na ramdam ko na mayroong pagbabago sa aking sarili. Ako’y naging mas simple at praktikal. Natuto rin akong makisama sa iba’t ibang uri ng tao. Malayong malayo sa aking nakagisnang private school years dati.
Sa mga titser naman, dito talaga ako napahanga sa kanilang galing at katalinuhan. Kung iisipin mo, bigtime talaga sila. Ung isa may sariling theory pa sa field of nursing. Ung isa naman sya ung lumaban sa katiwalian na naganap noong 2006 Nursing Licensure Exam. Ung isa naman mayroong cancer at harap harapang sinabi ito during our class (with no tears pa-parang Johnson and Johnson.hehe). Meron din naming teacher na sobrang bait na pwede nasyang macanonize ng Vatican.
Syempre meron ding mga kahindik hindik na experience noong kolehiyo, Isa na rito ung nakita ko ang isang protrusion mula sa dibdib ng aking theology professor. Isang unidentified protruding object! Akala ko ako lang nakakita, pero pagkatapos ng class ay kumalat na ang kanyang palayaw: Prunes
Dito ko rin naexperience na maapi ng ubod ng yabang na professor. Isang experience ay noong binagsak ako dahil nabunot ako habang ako’y nasa labas dahil CR ako during a recitation. Buti na lang magaling siya magdiscuss at magturo kundi Im’ma kill him talaga. Pero salamat parin dahi andami mong naibahagi saakin na kaalaman.
Ngayon lang din ako nakaexperience ng mga fashionistang professors, ung para bang everyday is a fashion show sakanila. Pang model talaga sila. So hawt. Beauty and brains talaga.
Meron din akong professor na sobrang liberal. Sobrang laughtrip ang mga discussions nya na punong puno ng green minded jokes at kung ano ano pang kaberdehan. Ubod ng hirap magpatest, ung para bang ayaw ka nyang ipasa. Pero IMBA rin sya, triple Ph.D ata to.
Para sa lahat at kasalukuyang mga teachers ko, isang taos pusong pagpapasalamat mula sa akin dahil sa pagturo paggabay, at pagsupporta sa akin kahit wala naman kayong inaasahang kapalit. Maraming salamat titser!
7 comments:
e kung ganyan titser ko sa pic papasok na ko lagi. hahaha :P
marami tuloy akong naalalala regarding sa titser ko.
haha! wala di pa ako nakakita ng gnyang teacher.lol
tuad ng?haha
aww drei, you so sweet. thanks much!
no prob!:) every teacher deserves that.. get well soon!:)
Ayoko na maging student hehe
haha.. bakit naman? enjoy kaya :)
aha... ang sweet mo talaga... napangiti naman ako ng bonggang bongga... yaiy
Post a Comment