Sunday, October 31, 2010

A Halloween Story (TRUE STORY)

6:20 p.m.

A guy was being interviewed in a police station along West Avenue.  The interviewee was in his late teens, he was wearing a black and white checkered polo and a pair of jeans, accentuated with a pair leather white shoes. There was weariness in his eyes, the kind of weariness you see in the anxious and sleep deprived.

The other scenes in the police station were a blur. Different voices from both complainants and the officers came undecipherable to his senses. The noise although unwavering sounded minute because of his mind’s restlessness.

With all the chaos happening around him, a voice stood out asking, “Oh, ano nangyari sayo?” while a figure wearing a blue uniform with a name plate bearing the word “Senilo” materialized before his eyes. The officer in front of him opened a thick binded notebook which seemed more like a record book. A new page for us was folded, the cop started scribbling characters, numbers and letters which seemed like a date and the incident, respectively.

While he was silent.

The officer asked again, “Ano nangyari sainyo?”

There was perplexity in his actions, his voice was calm and straightforward as he answered, “Nahold up po kami…” He was about to go home at that time. The night was still young, it still must be safe to ride the jeep he thought, and that’s what he exactly did. He rode quite an empty jeepney with only four passengers. As they travelled to the latter part of North Avenue, a group of six men wearing jerseys  joined the unwary passengers. The group was quite unruly, they were obviously not the type of people fond of baths as manifested by their skin color and smell. One of them was holding a cigarette with his lips while puffing the smoke to the passengers' faces.

Something was wrong. Something was definitely wrong, his senses had been telling him. There was fear but he was too hesitant to act upon it. And he surely took the toll for his actions, his instincts never failed him.

“Akin na mga cellphone nyo!”, one of members of the group shouted while aiming a balisong to the guy. “Asan yung cellphone mo! Putangina! Papatayin kita pag di mo binigay”, the hold upper shouted again while searching for the phone of the guy from his pockets. He was in a state of shock – there was no movement in the jeepney around half a minute, the noisy jeepney suddenly became still, it all seemed so surreal.

It was like a trick or treat activity sans the candies and the costumes. And it really was, give out your phone and no one gets to be tricked, or you could get hurt while still keeping the treat. It was a trick or treat that would not accept “patawad po” as amn answer. So much for Halloween.

A familiar voice penetrated his senses again. It was the police officer asking him to sign the paper to make a blotter.

 And there it was, a signature appeared in the paper above the name of Drei Santos.

Saturday, October 30, 2010

Discount Please?

Photo from http://davidbyrne.typepad.com

Senate Bill 892 is a bill that grants 20% discount to students in the elementary, high school, university, vocational and technical school students as a measure of assisting the parents and the students in the transportation expenses relative to the rising cost of education in the country.

However, this bill is limited since it is applicable only during schoolweek days.

Kasi naman nagulat ako nung isang araw pauwi ako ng probinsya, wala daw kasing student discount ngayong panahon dahil nga sembreak namin. Logical naman diba? Kaso minsan napapaisip din ako, bakit ang mga senior citizens di naalisan ng discount pero ang students, oo? Granting the fact na we don’t have school during our sem breaks, we are still considered as part of the dependent portion of the society for that matter.

Dapat maiextend yang discount na yan to non-school days and weekends in all forms of transportation. Tinggin mo? 

Friday, October 29, 2010

10 Ways to Conceal Your Fugly Face in the Net

Here I am again stating the obvious as I mention to you the different ways most people utilize to beautify their faces, err… pictures over the net. For whatever reason their acts may serve, it is of much importance that you are familiar with these techniques so that when EB’s come, you’ll probably know what to expect and how to deal with these fuckingly low esteemed people who try to fool you online.

1. The Artsy Fartsy
These are the type of people who are obsessed with special effects and saturation to the point that only the outline of their face is shown. Usually, their pictures consists of usually 2 contrasting colors and their shades.
Example? Ninoy and Cory pictures.

2. The Sun Worshipper
Always with an over exposed side of the face. Their favorite fictional character is Edward Cullen sans the sparkling effect when hit by the sun. Usually used by facially challenged  and dark skinned people who think they could get away with this effect.

3. Ms.Abot hanggang Isabela ang Nguso
Usually used by girls ages 14 to the late teenage years, probably imitated from magazine models. They may be good kissers since they always exercise their lips but if they insist that is cute, it’s definitely not.

4. The Aerial Man
His favorite angle: the Top View. I pity this person since it’s pretty difficult to show off your best angle if indeed it’s their best at all. Most commonly done, with the pouty lips and puppy eyes effect to complete the paawang-pacute look. Also compatible with the babalu’s out there

5. Mr.Panga Mo Ibida Mo
Similar to the Aerial Man but this time, the side view is emphasized. These people master the art of finding the perfect degree to make their picture perfect. Usually done by fat people.

6. The Candid Faced
These are the people who really make the silliest of faces since they already accepted the lesser fortunes given to them and rather use it to intensify their ugliness so that it would seem cute during candid shots. However, this is technique is only applicable during candid shots, it won’t work on formal pictures unless you want to stick out like a pimple.

7. The Far sighted
These are the people who intentionally blur their pictures so that they would have a clearer face. Usually done by people with acne and other skin conditions



So there, actually there are still more but I just decided to focus on those aforementioned since they are  some of the most prominent. For those people that are guilty of doing these “effects”, you just have to embrace and take care of yourself more. Always remember that being pogi/maganda doesn’t define us as persons.

As the online world can be a lurking ground for the anonymous and the mischievous, we must always remember to take caution in meeting with others. 

I just recalled a simple anecdote that when I was in Highschool, a girl told me in my face, “Kasing pangit mo sulat mo!” in a tone that seemed like in between a shout and an insult. Up to this day I still can’t forget those lines. But now, I can say that my handwriting already improved, somehow. :)


PS: I actually wanted to post real sample pictures but that would be so mean, won’t it?  

I Rule Manila Shirt

I RULE MANILA SHIRTS
(click to enlarge)


Wooo! :) T-shirt design ko, actually wala lang ako magawa, boring ang buhay ngayon. Maybe one of these days makita nyo na lang akong suot suot yan.hehe

Whatchathink?

Saturday, October 23, 2010

In the Supermarket

Setting: SM Hypermarket

Habang namimili ng babaunin ng kapatid ko, may nakasalubong kami na saleslady na nagpapafree taste. Uyyy... wag bastos, I know what your thinking. What I mean is that, namimigay sya ng products for free tasting. Osige, masampolan nga ito, muka naman masarap kasi hugis Kisses yung chocolate. 

Sabi nya, "Sir, iba ibang variants po yan, may mint, strawberry at milk"

"Ah talaga?", sabay kuha ng tig-iisang peice bawat flavor (patay gutom talaga oh)

Eh sakto namimili pa ako ng babaunin ng kapatid ko kaya nagstay lang kami dun habang kinakain ko isa isa yung mga chocolates na pina free taste nya.

"Sige sir, tambay lang kayo dito para maubos na."

Ahh gusto talaga ng babaeng to maubos  ah,sabi ko sa sarili ko, kaya kumuha pa ako ng mga 6 pieces more at linagay sa lunch box ng kapatid ko.Wala naman nakatinggin eh, tsaka sya na mismo nagsabi na kuha daw ako.

Medyo napansin siguro nya na di pa ako nakadecide kung ano bibilin namin ng kapatid ko, kaya sinabihan nya ako na "Sir ito na lang product namin!"

"Ayoko, di masarap eh..."

Syempre dinugtungan ng "Joke langg!" 

Pero di talag masarap. Pramis!

 Bastusan lang.haha!


 


Of Boredom

I'll be spending this semesteral break at the province. I'm back to being a probinsyano and for a while be relieving my role as a Manila boy. Internet connection has been failing me for the couple of days I've spent at home. Plus, I still have to share the computer with my siblings which really lessens the time I spend blog hopping, browsing porn and reading articles.

I am absolutely bored. I miss the busy, polluted streets of Manila, the exasperating schedules I have to live by, and the stress from my academics. For a moment, I remembered when we were having our exams, I was wishing that it would all go away so that I could spend time for myself, my art  (Yes. I do have a soft side for the arts)and my family. But now, it seems that I miss it all so much. I feel so disconnected from friends, bloggers and non-bloggers alike.

There was nothing much to do here.A typical day for me would consist of reading Dan Brown novels, eat, have coffee, and sleep. I remember the busiest day I had was when I had to bathe by younger brother, buy him some snacks at SM Hypermarket, and accompany him to school.

Put simply, libog na libog na ako lumabas.

Bloggers and friends from my province, where art thou?


Monday, October 18, 2010

A Qualitative Study in the HipHop Abs Training Regimen


I am officially anouncing that my blog will now be a porn blog. Joke.


After 30 mins of exercise.lol

After a week of undergoing the HipHop Abs training regimen, there was a significant change in the body structure as manifested by decreased protrusion of abdominal muscles. (See this and compare for yourself) However, there was a noted hypertrophy of the muscle cells in the upper part of the rectus abdominis which could be an effect of increased workload on the muscles. Still for continuous observation.



Ayun nga kinontinue ko na ang hiphop abs training ko. Kairita yung instructor minsan.

Work it!
During my first few days, sobrang napapagod ako dun sa cardio excercise to the point na napipikon ako dun sa instructor. Kase naman pagod na pagod na ako sa 3 minutes at 27 minutes pa ang natitira, tapos "Work it" pa sya ng "Work it." Asar lang.

Feels Good!
Isa pa to, feels good na ng feels good eh ang sakit sakit na ng pinapagawa nya lalo na pag yun touch your toes na. Bwiset.haha!

That's mah song!
Funny pa rin naman si kuya kahit papano, kasi naman biglang sinabing "That's mah song!" nung nagplay ang "Don't Cha" ng Pussycat Dolls. FTW.

Siguro talaga dapat ung kela Luis at Anne na lang yung sundin ko.haha Pero ok na rin to, may improvement naman diba?



My First Blogger's Meet Up


Thomasian Gloobal Trade Expo
Picture courtesy of http://www.magnusventus.com/

Paksyet. Di ako makauwi dahil may pinapagawa pa sakin dito sa Manila kaya magkukwento na lang ako sa mga wholesome na nangyari sakin kahapon.

Actually, nasa MOA ako kahapon para sa Thomasian Global Trade Expo. Ayun andaming mga bazaar, job fair, at kung anu anu pang shit. Nagtaka nga ako kung bakit tinawag na global kasi ung mga exhibitors ay mga local brands lang at mga UST memorabilia stores na umuulit ulit lang ang tinitinda.

Pero sinulit ko na lang din ang mga bazaar kasi maraming free, syempre nagpakapulubi at PG nanaman ako kaya andami kong nahakot na freebie tulad ng ballpen at pamaypay courtesy of The Generics Pharmacy and mga candy mula sa Ray Gapuz Review Center.

Marami rami din akong free taste na natikman. Kabilang dito ang Milo, Sjorn, Ice Crumble, at may Ice cream pa na di ko na maalala ang brand. Actually nagstay din ako sa may Cooking Demo ng Century Tuna. Solve na solve ang araw ko sa dami ng pagkain.haha!

Habang nageenjoy pa ako sa expo, bigla ako nakarecieve ng text kay Citybuoy, iniinvite ako magmeet up sa may Greenbelt. Siyet. Di ako marunong pumunta dun sabi ko sa kanya. (Omit the Siyet word, di naman po ako balahura in person, promise :P) Ayun nga, sabi nya next time na lang daw. Nagpasorry naman ako.

Tapos bigla siya ulit nagtext after an hour yata yun, sabi malapit lang daw ang MOA sa Greenbelt. Syempre, shushunga shunga nanaman ako naniwala naman ako. Osige, minsan lang naman tong mga ganitong pagkakataon sayang naman kung di ako pupunta.

Buti na lang may nakita akong friend, na itago natin sa pangalang Paul. Tinuro nya kung saan ako
 sasakay and all, mejo bobo kasi talaga ako sa directions. Sumakay ako ng jeep, na umabot sa MRT station.

Supermegaultra baho sa MRT. Siksikan to the max, parang mga party people. Dumami pa lalo ang tao nung nasa Magallanes na, may isang lalaki din sumiksik malapit sakin. From his looks, either isa syang construction worker or isang kargador. Okay lang naman, tolerable naman ako sa mga ganung tao. Pero shit talaga nung umandar na yung MRT at kumapit na sya sa hand rail. Umalingasaw ang amoy na parang egg sandwhich na naiwan sa bag ng isang linggo at noong inilabas mo may greenish whitish substance na nandun. Di ko talaga kinaya kasi halos magface to face kami ng kilikili nya. Bad vibes pa lalo pag malapit nang huminto ang tren, napapalapit pa lalo muka ko sa kilikili nya due to the effect of force. Laking ginhawa ko malapit lang at kasunod lang pala ang Ayala station.

Anyway, nung pagbaba ko sa station, naglakad ako papuntang Greenbelt na akala ko ay malapit lang (Thank you, Citybuoy). Pagdating ko sa Greenbelt, manghang mangha ako. Sorry naman promdi lang.haha! Ang ganda pala dun, ang sososyal ng mga tao, at yung mga store parang ayaw magpapasok ng customer. Parang basura talaga ako sa Greenbelt. Napansin ko din na habang tumataas ang number ng Greenbelt, sumososyal lalo ito. Kamusta naman nasa GB5 ako.

Ayun nameet kong una si Citybouy. Pinuntahan namin sila Victor at YJ sa Jolibee kasi kumakain daw sila dun. Di ko naimagine na may Jolibee pala dun kasi halos ng stores dun di ko nakikita saan man. Pagkatapos pumunta na kami ng CoffeeBean nameet ko dun sa Glentot at Pinky. Naabutan ko rin si Gasoline Dude kaso di na ako napakilala sa kanya kasi umalis na rin sya agad, pagdating namin.

Citybouy was so nice (narealize siguro nya kung gaano kalayo ang nilakad ko.hehe), linibre nya ako ng coffee. Thankk you! :)

Ayun kwentuhan kami dun habang nagcocoffee sa may labas. Dumating after ilang minutes sina Ahmer at Andy na nagpapansit. Joke. Di sila nagpapansit.

Anyway, andami kong nalaman na mga chi chi about the blogosphere. But I'm not telling. :)

Tapos ayun nagkayayaan maginuman, pumunta kame someplace in Makati. Kwento kwento ulit.

Natapos na kami ng mga 3am, nakauwi ako ng mga 4am. Thank you Ahmer, Andy, and YJ sa pagsama sakin pauwi since clueless talaga ako pano babalik sa Manila. Nakaktuwa mameet kayong lahat. Enjoy talaga ako kagabi, sana maulit muli :) Parang kanta lang.








Hey I'm Drei

Met with bloggers yesterday for the first time :) We should do it again soon.

Ewwww...Laki!

I went to a public CR at Mall of Asia yesterday with my 7 year old brother. Being public as it is, there were many people walking in and out, doing their thing to relieve themselves. Upon entering the CR, I headed straight to the last urinal while by brother went to next to it. After a while by brother glanced at my penis while urinating. He then suddenly blurted out:
 “Ewwww… Laki!”
Potaena. Umurong ihi ko.Nahiya ako to the bones.haha!

Saturday, October 16, 2010

Palimos for a Cause


Image from http://my_sarisari_store.typepad.com

This may be one of the most fulfilling days in my life. And it all started as “trip,trip lang…”. While we were studying at Starbucks last night, me and a friend thought of a idea. Crazy at it may seem, but we actually wanted to experience firsthand the life of a beggar. So instead of studying for our Literature exams for the following day, we ended up conceptualizing our “trip”.

And the plan was set. The next day, I brought a very loose jersey,  shirt, two shorts, and a cap which I stuffed forcibly on my Jansport bag. Lala, the friend I’m referring to in the first paragraph planned to join me.

 After our scheduled exams, we met near  the UST gymnasium at P.Noval Street at around 6pm. We asked the guard if we could change to our pulubi costume inside the guard house since it was the CR nearest to the gates, he obliged without the slightest hesitancy. However, he then refused when we asked him if we could leave our bags there. 

“Di kayo pagkakamalang pulubi nyan sa suot at kutis nyo”, manong guard said.
“Hindi kuya, kaya na yan. “
Dapat madumi kayo…bili kayo ng jobos, okaya ng kiwi tapos ipahid nyo sa balat nyo.” (Aba! Nag-susuggest pa tong si kuya guard. )

We decided to start asking the stalls outside UST if they could be so kind and keep our bags. We ended up leaving our stuff at Big Martha’s. Ate Jen and Ate Jean were really very nice and accommodating (I promised them that their names will be mentioned in lieu of their kindness.)

After dressing up and depositing our bags (SM ba ito?haha), we got ourselves concerned with our “props” which consisted of envelopes with the following scribbles:

“Ate at Kuya, palimos po pagkain lang po… Salamat po”
(Some were too crazy and even out of this world)

“Ate at Kuya,may I please have some moolah to buy myself food, drink and clothes. Thanks much!”
“Ate at Kuya, konting tulong lang po…pang shopping lang po”
“Ate at Kuya, palimos po please pangkain lang po sa Mcdo”
“Ate at Kuya, palimos po pambili ng Ipod Nano, yung 4 gig okay na po”
“Ate at Kuya, pengge po pera pang Starbucks at yosi. Pang Dota na rin po”

The envelopes were designed similar to the envelopes street children give to you at the jeeps. Actually, we had a sample to copy since Lala was given an empty envelope by a beggar at the jeep last night when we went home from Starbucks.

After doing all the necessary preparations, we started the trip. 

At this point in time, magtatagalog na ako, ang hirap pala mag-English.

Ayun, naglakad lakad na kami sa mga eskinita at pasikot sikot sa may P.Noval street sa gilid ng Uste. Maraming estudyante noon. Ayos! Marami kaming makukuha ngayon. Nagsimula kami sa mga nagiinuman at mga kumakain sa karinderya. 

“Palimos po.. kahit piso lang po…” ang aking sinasabi sa mga nagiinuman at mga estudyante - ung iba taga FEU, ung iba naman ka-school namin. Si Lala naman ay di makapagsalita dahil nakabraces sya. Sosyal na pulubi. Kaya hanggang acting lang ang drama nya. 

Noong nanlimos kami sa harap ng isang fruit shake stand, naexperience naming first time mabulyawan ng may ari nito. “Hoy! Ano yan!? Bawal yan dito”. High blood much si kuya. Medyo natakot na kami kasi baka kami pa dahilan ng myocardial infaction nya okaya naman baka ipapulis pa kami kaya umalis na lang kami ng kusa.



Image courtesy of ayen08.tumblr.com

Nang umabot kami sa Mang Toots, isang karinderya, nanlimos kami sa dalawang babaeng mukang nagtratrabaho na. Kasalukuyan silang kumain habang lumapit kami at iniabot ang sobre. “Pasensya na.. wala talaga”. Syempre dapat todo acting parin kami na pulubi. Kaya ayun, tinuro ko na lang yung Banana-rhuma na nasa may hapag kainan nila. (Ang Banana-rhuma pala ay parang turon na may sesame seed) “Osige kumuha ka na…” Sobrang natatawa na ako nung panahon na yun, PG mode nga naman. Sabi ko kay Lala, “Tara, hati na lang tayo…” habang kinamay ko na yung turon sa plato nila. Pero ewan ko ba at ang bait ni Ate samin nang sabihin nyang, “Hindi, kuha ka na rin…”. Pagalis naming dun sa lugar na yun, tawang tawa talaga kami to the highest level.haha! Sino nga bang matinong tao ang gagawa nun?


Nagpatuloy kami sa pamumulubi… umabot kami sa isang karinderya ulit sa kanto ng P.Noval. Sabi ko, para dagdag sa saya, magpeperform na lang ako habang nanlilimos para may added features ang paglilimos namin.

Ginawa nga namin yun. Kumanta ako ng “I Believe I Can Fly” , napatinggin halos lahat ng mga kumakain at lumabas pa yung nagtitinda. Sumesecond voice at nagsu-sway sway pa nga yung iba. Performance level talaga ito, sabi ko sa sarili ko. Pumalakpak naman sila Ate pagkatapos ng chorus ko. Bongga talaga.

Habang nasa harap kami ng Ministop, nakasalubong ko si Kuya. “Kuya palimos po kahit piso lang…” Sagot nya, “Magkano ba?” Kulit naman ni kuya, kakasabi ko lang na kahit piso lang eh. Pero since makulit sya, sabi ko na lang, “Kahit pagkano pwede na…” “Bente pwede na?”, tanong nya. Oo, pwedeng pwede na yang kuya. Thaaankk youuuu!

Umabot kami hanggang sa Morayta. May nagsabi samin na dalawang babaeng studyante, “Magtrabaho na lang kayo… Ang laki laki nyo eh…” Pero ayun persistent parin kami sakanila, di namin iniwan. Kinakalabit kalabit pa naming sila ng paulit ulit. Nakulitan na yata samin kaya “Osige na nga, kinokonsensya nyo pa ako…” Binigyan kami ng limang piso.haha

Dinerecho namin ang Morayta at umabot kami sa Espana. Naglakad lakad kami hanggang umabot sa may UST. Pumwesto kami sa may gate at nanlimos sa dalawang school mate namin na taga Fine Arts habang nagyoyosi. Pagkatapos mabigyan ng limang piso, nakipagkwentuhan kami. 

 “Ate nagaaral ka ba dyan?”
“Oo…”
“Anong course ba maganda dyan?”
“Uhm…. Nursing…” (syempre tuwang tuwa kami, gusto naming sabihin ni Lala “Di nyo lang alam ganito ka gago ang mga Nursing!haha
“Bakit naman?”
“Wala.. kasi sila yung parang magaling dito eh…”
“Ahh ganun ba? Magkano kaya tuition nila dito? Balak ko kasi magaral dyan minsan eh”
“Di ko sure e…Medyo mahal eh…”
“Ahh talaga? Afford kaya namin?”
“Ewan ko lang..”

Habang kinakausap naming sila, biglang dumaan ung high school teacher ko sa CAT. Syet! Deds na deds ako nito pag nakita ako. Napilitan kaming umalis.

Naglakad lakad kami sa Espana, nakasalubong kami ng dalawang high school students na tiga Arellano High. “Palimos po” sabi namin. Mukhang natakot yung dalawang studyante. Napatigil talaga sila, yung isa parang maiiyak na. Kumbaga, parang nacorner naming kasi sila nung time na yun. Iniwan na lang namin, baka akala pa ng iba ay nanghoholdap kami. BTW, may CCTV camera pala sa palibot ng USTe. Baka sa first day of classes patawag na nyan kami sa Office for Student Affairs (OSA) okaya naman sa Student Welfare and Development Board (SWDB).haha Naku! Baka ma-lagay pa kami sa school publication na Varsitarian. 

Tinuloy namin ang paglalakad at nakasalubong kami ng medyo matandang couple na tila nagaaway. Nilapitan naming, “Palimos po…” Di kami pinapansin habang nagaaway sila. Di rin kami umalis. Hanggang sa medyo nakulitan na sya at sinabi sa min, “Pwede ba, maguusap muna kami?”. Okaaaayyy, umalis na lang kami. Goodluck na lang sa LQ nila.

Naglakad ulit kami sa Espana, malapit na sa may Lacson. May couple na ulit kaming nilapitan.

“Palimos po…konting tulong lang po” sabay abot ng sobre.
”Oh ano ba nangyari?”, sabi nung lalake
“Galing po kasi kami ng Sorsogon” (Siguro nagtataka kayo kung bakit Sorsogon. Ako rin eh, nagtataka rin kung bakit nasabi ko yun.)
“Ano ba nangyari sa inyo?”
“May sindikato po kasi… dinala kami dito”, sagot ko
“Naku dapat lumapit na kayo sa pulis!”
“Ayy hindi na po… gusto lang po talaga naming makauwi”
“Ahh ganun ba? Magkano ba kelangan nyo?”
“Kahit magkano lang po…kahit pangkain lang…”
“Oh  eto 50…”
“Naku salamat po!!”
“Eto dagdag nyo pa”, kinalikot nya ang kanyang bag at binigyan pa kami ng apat na piso.
“Patulong na kayo sa pulis”, sabi ng babae

Sobrang naguilty talaga ako nung panahon na yun. Sobrang bait ni Kuya kung alam lang nyang pinagtripan lang namin sya. Pero ayun, tinuloy namin ang paglalakad sa Lacson street. Nakakita kami ng isang matandang kumakain. “Uyy Lala, bilhan naman natin ng inumin si manong” Sagot ni Lala, “Tara, uhaw na rin ako eh”. Bumili kami sa mga bangketa sa may UST Hospital. Tatlong Big O na orange juice, ung isa binigay kay manong na napagalaman naming isang parking boy, yung dalawa samin na ni Lala. Tuwang tuwa naman si Manong sa binigay namin.

Grabe talaga yun, imagine, nagduduty kami sa ospital na to, pero ngayon nanlilimos andito kami sapara manlimos sa mga medtech, doctor, at mga estudyante doon. Medyo mailap lang sila kasi delikado raw talaga sa parteng yun ng USTe.

Umabot na kami sa Dapitan, konti na lang maiikot na namin ang 4 corners ng school namin. Umabot kami sa Dela Fuente Street kung saan maraming karinderya. Nanlimos kami sa school mates namin na taga-Accountancy. “Ate may libreng kanta pag nagbigay…Gusto mo sample?”

“Ayy kuya wag na, mapapaos ka lang”
“Ay hindi, kakanta ako…” (ipagpilitan ba ang sarili?haha)
Sinimulan ko nangkantahin ang “I Believe I can Fly” with matching eye contact at hand gesture kaya ate, para bang nasa music video.
“Oh eto na nga…”, sabay abot ng pera

Ewan ko ba kung bakit, pero bentang benta talaga yung kanta sa sa mga tao.Ganun ba ako kagaling kumanta?haha

Naglakad lakad kami hanggang umabot kami sa Perpetual Help. Lumapit kami sa mga taga-Perps na nursing student, dalawang lalake, isang babae. Nanlimos kami. “May libreng kanta po…”

Pero ngayon pagkabigay ng pera, nagpathank agad kami at tumalikod nang bigla kong maalala na di pa pala ako kumakanta.

“Ayy ate, sorry nakalimutan ko yung kanta ko…”
“Ay hinde,hinde ok na..”
Talagang di naman masyadong obvious na gustong gusto ko kumanta no?

Tinanong ko si Lala kung magkano na yung kinita naming. “Mga 200 plus na ito…” Waw andami pala natin nalimos ah. Ung ginawa namin, bumili na lang kami ng tatlong Shanghai with rice sa Copy Shop. Dahil siguro pulubi kami, dinagdagan na nung nagtitinda yung pieces ng shanghai roll at pinabaunan pa kami ng sabaw. Binayaran namin ung pagkain gamit ung mga kinita namin. Medyo nagtagal lang kasi halos tig-lilima at tig-pipiso ang pera namin. After 3 years, nabuo na rin namin ang 120 na bayarin naming. Tuwang tuwa naman ung cashier kasi tigpipiso nga yung bayad, exact amount pa yun ah.

Siguro nagtataka kayo kung bakit kami bumili ng pagkain no? Binigay namin to sa mga batang nanlilimos sa harap ng Starbucks sa Pacific Suites. Nalaman naming na di pa pala sila kumakain. All in all, mga anim silang nagsalu salo sa bigay namin. Naki upo kami sa kanila sa may lansangan. Wala nang pakialamanan kung may makakita man saamin, basta sobrang saya lang naming nun at nakatulong kami. Actually, nakita kami nung classmate naming isa, at takang taka sya kung ano ginawa namin doon. Sabi namin sakanya, “Saka na lang naming ikukwento…” Halos lahat ng dumaraan ay napapatinggin samin at sa mga batang kumakain sa Styrofoam sa gitna ng daan sa harap ng Starbucks. 

Enjoy na enjoy ang mga bata sa pagkain nang bigla kong mapansin na yung isa ay sinara na ang kanyang styro na lalagyan. “Oh bakit mo sinara yan?”, tanong ko.

“Kasi po gusto po ito ng bunso kong kapatid.”

Dun talaga nahulog ang puso ko. Di ko akalain na mula sa trip namin ay marami kaming matutunan at matutulungan. Di ko talaga kinaya yung sagot ng batang yun. Pwedeng pang MMK.

Dun kami nagpasyang tapusin ang trip namin kasi 8 o’ clock na at magsasara na yung Big Martha’s na iniwanan namin ng bag. Pagkadating sa Big Martha’s sa P.Noval, tuwang tuwa sila Ate Jen at Jean sa kwento namin habang kumakain gamit ang natitirang perang nalimos namin. Inonominate daw nila kaming CNN Hero of the Year. Naku mga Ate aasahan naming yan ah? haha 

 Tuwang tuwa din si Kuya Dordas na guard sa P.Noval gate kung saan nagbihis kami.

Pagkatapos n gaming “trip”, narealize ko na andami parin mga taong mababait kahit na hirap na hirap na sila sa buhay. Naarealize ko din na effective pala ang performances at nakatutuwang mga nakasulat sa envelope na bumenta talaga sa panlilimos. Narealize ko rin na malakilaki na rin pala ang kinikita ng pulubi dahil all in all naka 240.50 pesos kami in just 3 hours ng pamumulubi, malapit na rin sa minimum wage yun. Sayang lang talaga wala kaming picture o video nun pero sobrang fulfilled din ako kasi nakatulong ako sa kapwa ko dahil naibahagi ko yung pinaghirapan ko, at di lang kinuha mula sa bulsa.

Wednesday, October 13, 2010

Before (NSFW.lol)

BEFORE

Actually yan yung BEFORE ng Hiphop Abs workout ko, yung AFTER medyo di pa namamaterialize, probably in a week or so may onting results na lalabas.lol  Ayan ah, malinaw na malinaw ang baseline data ko, kaya wala kayong masasabing katiwaliian na nagaganap.lol

Kasi naman at the rate kung pano ako kumain ngayon, parang I'm heading towards being a bundat. I don't want to be a bundat. :(

Magka abs kaya ako tulad nung negrong instructor sa video?

Ang HipHop Abs

Kanina pala nakuha ko na ang HipHop Abs DVD na galing kay Lala. Sa sobrang excite ko umuwi agad ako after ng exams ko para mapanood ito agad at masampolan.

Laking gulat ko lang nung pinlay ko na sa laptop ko, mukha ni Anne Curtis at Lucky Manzano ang ipinakita ng Windows Media Player. What the hell is wrong with this! (with attitude pa dapat ang pagsabi dito) Epekto pa kaya ito ng Lucky Me na nilamon ko?

 WTF talaga, so tinignan ko ulit ung DVD case baka nagkamali lang ng bigay si Lala. Okay naman yung case, andun naman yung kutis tsokolateng lalaki na may abs. Pero ba't ganun? Tsk. Sayang naman ung 40 pesos ko. Nagtaka ako baka biglang may Filipino version version pala, akala ko pati ung mismong video ng HipHop Abs ay pirated narin. Medyo nadisappoint ako ng onti tapos ginawa ko, finorward ko na lang, tinggin tinggin kung di naman jojologs-jologs, baka pwede namang pagtiyagaan ang exercise regimen na ito. Forward.. forward... tapos ayun! Biglang lumabas na ang negrong lalaking may abs.haha! Yesss! BV parin kasi jusko mas madami pa yung parte nila Anne sa DVD.haha!

P.S. Makapost nga ng pic ng before and after ko sa hiphop abs. Madami kasing kumokontra sa effectiveness nito. See the results in 7 days! Parang Dove lang.haha!

Tuesday, October 12, 2010

Luckying Lucky!

Final examination week namin ngayon. Siguro dapat nagaaral ako, nagbabasa, nagpapanic, at kung ano ano pang dapat ginagawa ng isang normal na estudyante tuwing may exam.  First day ko pala kanina mag exam, ang subject ay Medical Surgical Nursing, ang aming major major subject for this sem.
Kung ako ang tatanungin nyo,  madali lang sya, di naman ako magpapakaplastic para sabihin na “uhm.. okay lang…” tulad ng ibang classmates ko na pa-humble pa, very Thomasian ika nga. Bakit ba kasi hindi nila kayang ihayag ang kanilang mga saloobin ng walang ka-ekekan at ka-showbizan.
Siguro marami sainyo ang magsasabi na, “Ang yabang mo naman…” o kaya naman “(insert mura here)! Kapal ng muka nito…” Pero yun naman talaga ang totoo, mayabang ako dahil may ipagyayabang. Ipinagmamayabang ko ang aking pagtiyatyaga sa kakabasa ng Brunner’s Medical Surgical Nursing na libro, ang pagkapuyat na nagdulot ng aking tila maleta na eye bags at samu’t saring mga pimple sa muka na tila sinusorpresa ka sa biglang pagsulpot habang sinasabing “Were here!”
Grabe din naman ang diet ko ngayon panahon ng stress, kagabi kasi sinimulan ko ng mag review ako sa Mcdo sa may school. Ayun, syempre balak kong mag camp out doon kaya andami kong dinalang pagkain. Inabot siguro kami ng mga 11pm doon. Eto ang time table ng pagkain ko:
6pm: Nova na medium size
7pm:  Large fries and coke, tapos naki subo pa ng spaghetti na order nung kasama ko
8pm: (Pahinga muna dito)
9pm: Tinapay na parang may palaman sa loob
10pm: Large coke float yung strawberry
11pm – 1am: Natulog saglit pero kumain ng isang pineapple bar
1am: Pancit canton ung Lucky Me
3am: Instant mami ung Lucky Me ulit w/ egg
5am: Meat loaf with rice
6am: (at school) Cupcake Cappucino, Medium ng 7 Eleven tapos sinamahan ng dalawang Sky flakes
Kamusta naman ang tiyan ko? I feel so fat and bloated already. L Pero infairness, effective naman ung mga lucky me na kinain ko nung medaling araw, luckying lucky nga sa exams, pero goodluck naman sa tiyan ko.haha!


*UPDATE*
Kakatext lang ni Lala na classmate ko na nabili na nya ako ng HipHop Abs na special request ko as pasalubong nya mula sa Quiapo.Yiheee!

Thursday, October 7, 2010

Paano po?

It's 3am and I'm still blog hopping. I went across The Great Maldito's Blog. It was my first time to visit and I got to read one of his recent posts, entitled Tina Turn Me. Nagulat lang ako kasi ganun pala ang itsura ng chikinini.haha!  

I wonder why in nursing school we really had no topic about that, how to acquire it, its nursing management and how to prevent it. Paano nga ba magkachikinini? Enlighten me.haha

Wednesday, October 6, 2010

I Love My Tits!

Happy world teachers day everyone!!

Specifically, I want to extend that greeting to YJ of Manila Bitch, Anton of Pusang Kayle, and Nyl of Citybuoy, teacher-bloggers I met months ago.

Naalala ko ung unang teacher ko nung preschool, si Mrs.Gatmaitan. Gustong gusto ko sya kasi siya ung nag accelerate sakin deretchong Grade 1. Ngayon, wala na sya. Sumakabilang buhay na dahil sa kanser. Kahit saan ka man maam, di ko makakalimutan ung experience na pinafeel mo sakin na matalino ako kahit hindi naman talaga. Salamat titser!

Pagdating ko ng Grade 1, terror naman yung naging adviser ko. Sa sobrang ganda ng sulat ko na nadala ko na yata hanggang ako'y magkolehiyo, umabot sa puntong binabato na yung notebook ko tuwing magpapacheck ako. Minsan naisip kong dapat isumbong na sya sa DSWD pero syempre ko pa alam ang DSWD nun kaya nagpatuoy ang mga dramahan moments tuwing magchecheck sya. Up to now, it still hurts maam. Pero salamat na rin at pinasa mo parin ako ng Grade 1.

Pagdating ko ng grade school, wala naman ginawa ung teacher ko kundi pakantahin ako ng pakantahin ng “Pagdating ng Panahon”. Kasikatan pa noon ni Aiza Seguerra na ngayon ay binata na. Kahit di naman talaga kagandahan ang boses ko maraming salamat ay kinultivate nyo sa akin ang pagiging artist ko. Salamat!
Noong high school naman ako, doon ung time na medyo may favoritism ang mga teacher ko. Dito ko natutunan na kailangan mong mamuhay ng magisa at di kailangan ang ibang tao para umunlad.
Pero sobrang naaprieciate ko talaga mga teacher ko noon dahil nakatulong talaga mga tinututuro nila hanggang sa kolehiyo.
Sa aking pagtungtong sa kolehiyo, sobrang ikinagagalak kong pumasok ako sa aking kasalukuyang pamantasan. Ramdam na ramdam ko na mayroong pagbabago sa aking sarili. Ako’y naging mas simple at praktikal.  Natuto rin akong makisama sa iba’t ibang uri ng tao. Malayong malayo sa aking nakagisnang private school years dati.
Sa mga titser naman, dito talaga ako napahanga sa kanilang galing at katalinuhan. Kung iisipin mo, bigtime talaga sila. Ung isa may sariling theory pa sa field of nursing. Ung isa naman sya ung lumaban sa katiwalian na naganap noong 2006 Nursing Licensure Exam. Ung isa naman mayroong cancer at harap harapang sinabi ito during our class (with no tears pa-parang Johnson and Johnson.hehe). Meron din naming teacher na sobrang bait na pwede nasyang macanonize ng Vatican.
Syempre meron ding mga kahindik hindik na experience noong kolehiyo,  Isa na rito ung nakita ko ang isang protrusion mula sa dibdib ng aking theology professor. Isang unidentified protruding object! Akala ko ako lang nakakita, pero pagkatapos ng class ay kumalat na ang kanyang palayaw: Prunes
Dito ko rin naexperience na maapi ng ubod ng yabang na professor. Isang experience ay noong binagsak ako dahil nabunot ako habang ako’y nasa labas dahil CR ako during a recitation. Buti na lang magaling siya magdiscuss at magturo kundi Im’ma kill him talaga. Pero salamat parin dahi andami mong naibahagi saakin na kaalaman.
Ngayon lang din ako nakaexperience ng mga fashionistang professors, ung para bang everyday is a fashion show sakanila. Pang model talaga sila. So hawt. Beauty and brains talaga.
Meron din akong professor na sobrang liberal. Sobrang laughtrip ang mga discussions nya na punong puno ng green minded jokes at kung ano ano pang kaberdehan. Ubod ng hirap magpatest, ung para bang ayaw ka nyang ipasa. Pero IMBA rin sya, triple Ph.D ata to.
Para sa lahat at kasalukuyang mga teachers ko, isang taos pusong pagpapasalamat mula sa akin dahil sa pagturo paggabay, at pagsupporta sa akin kahit wala naman kayong inaasahang kapalit. Maraming salamat titser!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...