Monday, September 6, 2010

The Prologue


Nagsimula ang lahat noong ako'y unang tumapak sa Maynila upara magpasa ng aking mga form na pangapply sa kolehiyo. Sa totoo lang, shushunga shuna pa ako noon, ung tipong ikakahiya mo dahil di marunong sumakay sa taxi dahil wala sa probinsya nila nun, ung tipong amaze na amaze sa LRT and MRT ticketing service dahil sa tinggin sya sobrang hi-tech nito, at ung tipong di alam ang ibig sabihin ng Ped Xing.

Kahit kung sa tinggin ninyo'y ako na ang umako ng lahat ng kabobohan sa mundo nung naghagis si Lord nito, nagawa ko namang pumasa sa eskwelang natripan ko. Pero kung siguro'y nababasa ng mga naginterview sakin noong kolehiyo itong basurang blog ko, malamang iconsider pa akong threat to their national security.

Sa kasalukuyan ako'y isang studyante sa peyborit course ng bayan, ang Nursing. Pagkatapos kong magtapos, siguro isa rin ako sa mga walang trabaho. Either way, kahit papano'y marunong naman akong dumiskarte kayang kaya ko naman siguro magging crew sa fastfood, call center (cenn-ur)agent, o kung ano mang trabaho ibigay sa akin. Hirap ng magging choosy ngayon no.

Pero eto ako ngayon, isang promdi na linalakbay pa ang buhay ng isang Manilenyo.

Ako si Drei at eto ang aking putanginang kwento.
I Rule Manila  t(','t)

3 comments:

Rico De Buco said...

hahaha ako si drei at ang aking putanginang kwento- i like..


kung mkapagmura ka dito ang lutong ah parang di ikaw na hindi makabasag pinggan hehehe

congrats isa ka ng anonymous

Drei said...

bakit ba? walang pakialamanan.haha!

Canonista said...

Welcome sa tinatawag na Blogsphere. Tama, diskarte ang magiging susi sa tagumpay sa panahon ngayon.

Ako rin, dati, hindi ko alam ang Ped Xing, laking syudad ako a. Haha!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...